Biyernes, Pebrero 2, 2018

Bakit madalas magbago ang isang tao


"Ang pagbabago ay permanente sa mundo"

Madalas tanong ng karamihan, bakit nga ba nagbabago ang isang tao? Bakit nga ba biglaan na nawawala ang dating pagkatao?


Hindi lang tayo nagbabago sa pisikal kasama na rin ang sosyal, spiritwal, at iba pa.


Maraming mga dahilan kung bakit nagbabago ang tao. Maraming mga opinyon kung bakit nga ba. Halina't buksan muli ang kodigo ng dahilan, alamin kung bakit nagbabago ang isang tao.


Kung ako man ay mali sa aking mga sasabihin, paumanhin.PAKIUNAWA AT PAKAISIPAN KUNG AKO BA AY MALI,


MGA KODIGO NG DAHILAN KUNG BAKIT NAGBABAGO ANG ISANG TAO



1. Nagbabago ang isang tao dahil sa kanyang paligid. Dinidikta ng kapaligiran, "Ganito ang gawin mo dahil ganito na ngayon". Sumasabay ang tao sa pagbabago ng kanyang kapaligiran. Halimbawa, maraming mga taong nakapaligid sakanya na ang musika ay gawa ng mga banyaga kaya'y pipilitin ng isang tao na maging ganito rin upang mapasok sa bagong nakahiligan ng mga iba. NAGBABAGO TAYO DAHIL BINAGO TAYO NG NASA PALIGID NATIN.


2. Nagbabago ang isang tao dahil sa pagbabago ng henerasyon. Kasabay ng pagbabago ng paligid ay ang pagbabago ng henerasyon. Kung noon ay masaya na tayo sa mga laro lamang na kasama ang ating mga kaibigan sa kalsada, ngayon ay kinakain na tayo ng teknolohiya na kinakain ang ating oras kung nakakapagsalita lamang ito ay sasabihin niya na "Sakin ka lang ah? Wag kang sasama sa kanila". Oo aminado tayo na may naitutulong ang teknolohiya ngunit may mali rin itong naidudulot satin. NAGBABAGO TAYO DAHIL BINAGO TAYO NG HENERASYON.


3. Nagbabago tayo dahil gusto nating magustuhan tayo ng ibang tao. Nakadepende ang pagbabago natin sa ibang tao. "Ay ganito ang gusto niyang maging kaibigan, dapat ganito ako". Binabago natin ang ating sarili para sa iba. Pinipilit natin ang ating sarili sa mga tao na hindi talaga alam kung sino tayo. NAGBABAGO TAYO DAHIL BINAGO TAYO NG ATING MGA KAPWA TAO.


4. Nagbabago tayo dahil nasasaktan tayo. "Nasasaktan tayo dahil nagsisilbi itong dahilan na buhay tayo". Sa paulit-ulit na pananakit satin ay nagbabago tayo, para sa ikabubuti natin, para malaman ng iba na hindi isang negatibong bagay ang isang pagbabago bagkus ito ay nagsisilbing dahilan para makaya natin na magpatuloy sa buhay. NAGBABAGO TAYO DAHIL NASASAKTAN TAYO.


5. Nagbabago tayo dahil may bago tayong hinahanap. Sawa na tayo sa luma, kaya gusto naman natin ng bago. Kung dati gusto natin ang mga Dragon Balls na palabas ngayon gusto na natin ng KDrama. Sa pagbabagong ito naghahanap tayo ng bagong magpapasaya satin na hindi nagawa ng dati. Kung nagawa man niya na mapasaya tayo dapatwat sa maikling panahon lamang. NAGBABAGO TAYO DAHIL MAY BAGO TAYONG HINAHANAP.


6. Nagbabago tayo kahit na hindi natin namamalayan, nagbabago tayo ng walang dahilan. Sa mabilis na paglipas ng panahon hindi natin namamalayan na may nagbago na pala satin, may nagbago na pala. Hindi man natin ito mapapansin, madalas ang iba ang makakapansin nito. "Uy ang taba mo na", "Uy ang itim mo na, anyare?" madalas ang iba ang nakakakita ng pagbabago natin. NAGBABAGO TAYO NG WALANG DAHILAN.


7. At ang huling dahilan kung bakit tayo nagbabago dahil sa sarili natin kagustuhan. Nagbabago tayo dahil gusto natin. Hindi dahil sa iba. Dahil satin. Dahil ito ang makakabuti satin.



Alam natin na marami pang mga dahilan. Tanging mga sariling opinyon lamang ang nababahagi ng kodigo ng dahilan. Nawa'y magbago tayo hindi dahil sa may gumawa satin ng masama bagkus magbago tayo upang ipakita sa taong yun na makakayanan natin kahit na may basura siyang nabahagi satin. Tandaan hindi lamang ang pagbabago ang permanente sa mundo.


 Ang SARILI MONG PAGKATAO AY PERMANENTE DIN SA MUNDO.


 Magbago man tayo ng paulit-ulit. Mananatili ang ating sarili na tayo.


Ang AKO AY AKO

Ang IKAW AY IKAW
Ang SILA AY SILA

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bakit mahirap magmove-on ang isang tao? Bakit mahirap magmove-on ang isang tao? Iyak dito, iyak doon. Hinga dito, hinga doon. Kailan...