Huling SandaliSariling likha ni: Marvin Manabat
Lahat ng bagay ay may hangganan
Asahan nating lahat ng ito'y may katapusan
Pilitin mang nating sila'y manatili ngunit maglalaho rin ang mga yan
Ultimo mga bagay, pamilya, kasintahan o ano pa
Lahat yan ay parang pangungusap ma tutuldukan sa hulihan
Ang madaldal nga na tsismosa ay titigil sa mga tsika kahit na nakasanayan na
Ang masisipag na mag-aaral kahit hindi natin alam minsay ay titigil din yan sa pangangarap at pag-abot ng mga bituin sa alapaap
Lahat ng mga tawa ay mawawala na parang bula
At pipiliting mangibabaw ng mga lungkot, ng sakit, hapdi, pighati
Ang iyong pagmamahal ay kusang naglaho na kasabay ng iyong paglisan
Lahat ng salita at letra ay nauubos na.
Hayaan mo'kong pigain pa ang katiting ng mga ito
Alam ko lahat ng pagtataka, lahat ng mga nagtatanong na mga mata ay nakatuon sakin sa mga sandaling ito.
Ang lahat ng mga salita na may tungkol sa pagkawala, sa katapusan, sa kapaguran ay may mabigay na latay na patuloy na humahampas sa'ting buong katauhan
Sa mga oras na ito maglalakbay ang aking diwa papunta sayo mahal
Magsisimula akong lisanin ang kasalukuyan
At hahalungkatin ang pahina ng nakaraan
Sa bawat pagpihit ng mga ito
Ay mahahalungkat ang masasayang mga sandali
Ang mga panahong mahigpit pang nakakapit
Ang iyong mga bisig saking mga braso
Ang mga anibersaryo na pinagsaluhan natin sa mga restawrant
Sa bahay niyo, sa bahay ko
At sa may tusok-tusok dyan sa kanto
Hanggang mapunta sa mga pahina
Na may mga bakas ng mga luha
Mga tinta na nangimulmol sa basa
At dibuho ng pagbitaw ng iyong mga bisig
Kasabay ng mga luhang nag-uunaha
Ay ang pagpinid ng mga pahina
At pagbalik sa kasalukuyan namalayang hawak-hawak ang iyong larawan
Sa huling sandaling ito
Mamahalin kita ulit,
Ngunit asahan mong ito na ang huli
Umasa ako na kaya pa natin ngunit mananatili paring hindi na pala
Patawad mahal kung pinilit kung umasa na "kaya pa" ngunit mananalili parin ang "hindi na pala"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento