Biyernes, Pebrero 23, 2018

Bakit mahirap magmove-on ang isang tao?


Bakit mahirap magmove-on ang isang tao?
Iyak dito, iyak doon. Hinga dito, hinga doon. Kailangan mo ng maraming panyo na magsisilbing tagasalo ng iyong mga luha. Kailangan mo ng mga unan na magsisilbing iyong kausap.

kapag wala na siya

kapag wala na kayo.


Maraming mga dahilan kung bakit hindi natin kayang magpatuloy kapag nawala ang minahal natin ng sobra. Yung parang tumigil ang pag-ikot ng mundo natin, ngunit kailangan parin nating paikotin ito kahit na yung taong nagmahal satin.


Muli nating buksan ang kodigo ng mga dahilan upang malaman kung bakit nga mahirap magmove-on ang isang tao. Iyong tignan kung nandito ba ang iyong dahilan kung bakit hindi ka makapagmove-on.


1. Dahil nasanay tayo sa buhay na kasama yung taong nang-iwan satin. Yung tipong araw-araw nagkikita kayo, kung hindi man nagkakachat kayo or nag-uusap. Sa isang iglap mo, wala nalang agad. Minsan itatanong nalang natin sa sarili natin yung sinabi ni Liza sa pelikula nya. yung "kapalit-palit bako?"

2. Dahil may mga bagay na minsan kahit pilitin nating gawin pero hindi pala agad makakaya natin. Sinasabi nga natin na nahihilom ng panahon ang sakit. Kaya't minsan hindi naman natin kailangan magmadali e. Isang proseso din naman ang pagmomove-on. Kaya wag tayong magmadali.

3. Dahil umasa tayo sa mga pangako nila na kahit wala na sila pinanghahawakan parin natin ang mga iyon. Kung meron ka sigurong notebook para sa mga notes mo, 'sing dami na rin ito ng mga pangako niya sayo. Yaong iba nagawa niya pero halos e napako. Kaya't kapag nawala sila e hinahawakan parin natin ang mga ito.

4. Dahil ang pinasok natin ay pag-ibig kaya mahirap makalabas. Tila nakulong tayo sa pagmamahal niya. Kinandado niya ito at hindi iniwan ang susi, kaya't kailangan nating magpakalakas para isang araw ay kaya na nating sirain ang kandado na iniwan niya satin.

5. Dahil akala natin kapag nakalimutan natin sila wala na pero samakatuwid parang sugat ito na naghilom pero may pikas parin na naiwan. Minsan sinasabi natin "kaya ko na na makita ko siya ulit" ngunit palapit palang siya kumakabog na ulit ang ating dibdib dahil meron parin nasa mga ugat parin ng puso natin ang pangalan nito hindi parin natin nahihinga at hindi pa nasama sa carbon dioxide na inaalis natin araw-araw.

6. Dahil lubos natin minahal ang taong nang-iwan satin. Kung hindi natin sila minahal hindi tayo masasaktan ng matagal, hindi natin kailangang magmove-on ng matagal. Dahil kapag nagmahal tayo masasaktan at masasaktan tayo.

7. Dahil ginawa nating mundo natin yung dapat tao lang. Hindi kasi tayo nagtira sa sarili natin. Halos binigay natin ang lahat kaya doble ang sakit. Mapapatanong nalang tayo na "hindi paba sapat ang binigay ko?" "wala na ngang natira sakin e".

Ano man ang ating mga dahilan kaya tayo nahihirapan magmove-on ay katanggap-tanggap. Basta wag nating kalimutan na ang mahalaga ay wag tayong matakot na magmahal muli, dahil kahit palagi tayong nasasaktan darating parin yung taong magpapasaya satinat hindi tayo iiwan. 

Biyernes, Pebrero 16, 2018

Huling Sandali

Huling SandaliSariling likha ni: Marvin Manabat



Lahat ng bagay ay may hangganan Asahan nating lahat ng ito'y may katapusan Pilitin mang nating sila'y manatili ngunit maglalaho rin ang mga yan Ultimo mga bagay, pamilya, kasintahan o ano pa Lahat yan ay parang pangungusap ma tutuldukan sa hulihan Ang madaldal nga na tsismosa ay titigil sa mga tsika kahit na nakasanayan na Ang masisipag na mag-aaral kahit hindi natin alam minsay ay titigil din yan sa pangangarap at pag-abot ng mga bituin sa alapaap Lahat ng mga tawa ay mawawala na parang bula At pipiliting mangibabaw ng mga lungkot, ng sakit, hapdi, pighati Ang iyong pagmamahal ay kusang naglaho na kasabay ng iyong paglisan Lahat ng salita at letra ay nauubos na. Hayaan mo'kong pigain pa ang katiting ng mga ito Alam ko lahat ng pagtataka, lahat ng mga nagtatanong na mga mata ay nakatuon sakin sa mga sandaling ito. Ang lahat ng mga salita na may tungkol sa pagkawala, sa katapusan, sa kapaguran ay may mabigay na latay na patuloy na humahampas sa'ting buong katauhan Sa mga oras na ito maglalakbay ang aking diwa papunta sayo mahal Magsisimula akong lisanin ang kasalukuyan At hahalungkatin ang pahina ng nakaraan Sa bawat pagpihit ng mga ito Ay mahahalungkat ang masasayang mga sandali Ang mga panahong mahigpit pang nakakapit Ang iyong mga bisig saking mga braso Ang mga anibersaryo na pinagsaluhan natin sa mga restawrant Sa bahay niyo, sa bahay ko At sa may tusok-tusok dyan sa kanto Hanggang mapunta sa mga pahina Na may mga bakas ng mga luha Mga tinta na nangimulmol sa basa At dibuho ng pagbitaw ng iyong mga bisig Kasabay ng mga luhang nag-uunaha Ay ang pagpinid ng mga pahina At pagbalik sa kasalukuyan namalayang hawak-hawak ang iyong larawan Sa huling sandaling ito Mamahalin kita ulit, Ngunit asahan mong ito na ang huli Umasa ako na kaya pa natin ngunit mananatili paring hindi na pala Patawad mahal kung pinilit kung umasa na "kaya pa" ngunit mananalili parin ang "hindi na pala"

Biyernes, Pebrero 9, 2018

Paano malaman kung siya na ang para sayo?

Paano malaman kung siya na ang para sayo?


Maraming mga dumadaan sa buhay natin na akala nati'y siya na. Akala nati'y sila na ang binigay ni GOD satin, ngunit napupunta lang lagi sa wala. 

Marami tayong tinitignan na rason o dahilan kung bakit nga ba sila ang gusto nating makasama habang buhay, ngunit sa likod ng mga dahilan na ito ay may mga tanong na walang katapusan.

Muli mong buksan ang kodigo ng dahilan upang mabasa kung paano ba natin malalaman kung siya na talaga ang para satin.


1. Sinasabi ng iba na kapag tumigil ang mundo natin sa ilang minuto na nakita palang natin yung tao na yun. Hindi to totoo. Malalaman natin na sila na ang para satin kapag sa unang kita pa lamang ay bibilis ang oras. Mapapaisip tayo na kasama natin sila sa hinaharap. Kaya't 'wag tayong mahiyang humakbang sa pagbilis ng oras kailanga'y bilisan mo rin ang paghakbang mo papunta sakanya.

2. Kapag minahal natin sila ng walang dahilan, yung tipong kapag tinanong nila kung bakit siya hindi natin masagot kung bakit nga ba. Tanging dahilan ay MAHAL NATIN SILA. Hindi kailangan ng maraming dahilan para sabihin nating mahal natin isang tao.

3. Kapag nirerespeto natin sila na tulad ng ating pamilya. Isa itong dahilan na sila na ang para satin dahil ang tunay na nagmamahal ay nirerespeto ang lahat ng nakapaligid sayo,

4. Kapag tinanggap tayo kung ano ang ating pagkatao. Sa ilang bilyon ng tao sa mundo may isang darating satin na tatanggapin tayo kung ano tayo. Hindi natin kailangan magbago, hindi natin kailangan na magpanggap sa kanyang harapan.

5. Kapag may tiwala siya sayo. Malalaman natin na siya na nga kapag kahit hindi ibigay ang account sa FB, Kahit simpleng paalam lang na "pupunta lang ako saglit sa barkada ko" sabay sabing "sige". Ang pagpayag sa gustong gawin ng ating mga karelasyon ay hindi katangahan bagksu ay pagtitiwala dahil mahal natin sila.

6. Kapag hindi natin sila malimutan sa bawat oras, minuto, segundo. Sila na ang para satin kapag kahit saan tayo magpunta ay sasabihing "namimiss na kita" hindi lang naman ang salitang mahal kita ang matamis na salita e. Alam nyo ba kung ano? Kundi "Sana ikaw na"

7. At huli ay kahit na maraming panahon o dekada man ang dumaan ay hindi parin magbabago ang ating nararamdaman. Sila na nga ang para satin.


Marami mang tao ang manakit satin, balang araw ay may tao ring sasabihing. "MAHAL KITA, GUSTO KO IKAW NA".

Biyernes, Pebrero 2, 2018

Bakit madalas magbago ang isang tao


"Ang pagbabago ay permanente sa mundo"

Madalas tanong ng karamihan, bakit nga ba nagbabago ang isang tao? Bakit nga ba biglaan na nawawala ang dating pagkatao?


Hindi lang tayo nagbabago sa pisikal kasama na rin ang sosyal, spiritwal, at iba pa.


Maraming mga dahilan kung bakit nagbabago ang tao. Maraming mga opinyon kung bakit nga ba. Halina't buksan muli ang kodigo ng dahilan, alamin kung bakit nagbabago ang isang tao.


Kung ako man ay mali sa aking mga sasabihin, paumanhin.PAKIUNAWA AT PAKAISIPAN KUNG AKO BA AY MALI,


MGA KODIGO NG DAHILAN KUNG BAKIT NAGBABAGO ANG ISANG TAO



1. Nagbabago ang isang tao dahil sa kanyang paligid. Dinidikta ng kapaligiran, "Ganito ang gawin mo dahil ganito na ngayon". Sumasabay ang tao sa pagbabago ng kanyang kapaligiran. Halimbawa, maraming mga taong nakapaligid sakanya na ang musika ay gawa ng mga banyaga kaya'y pipilitin ng isang tao na maging ganito rin upang mapasok sa bagong nakahiligan ng mga iba. NAGBABAGO TAYO DAHIL BINAGO TAYO NG NASA PALIGID NATIN.


2. Nagbabago ang isang tao dahil sa pagbabago ng henerasyon. Kasabay ng pagbabago ng paligid ay ang pagbabago ng henerasyon. Kung noon ay masaya na tayo sa mga laro lamang na kasama ang ating mga kaibigan sa kalsada, ngayon ay kinakain na tayo ng teknolohiya na kinakain ang ating oras kung nakakapagsalita lamang ito ay sasabihin niya na "Sakin ka lang ah? Wag kang sasama sa kanila". Oo aminado tayo na may naitutulong ang teknolohiya ngunit may mali rin itong naidudulot satin. NAGBABAGO TAYO DAHIL BINAGO TAYO NG HENERASYON.


3. Nagbabago tayo dahil gusto nating magustuhan tayo ng ibang tao. Nakadepende ang pagbabago natin sa ibang tao. "Ay ganito ang gusto niyang maging kaibigan, dapat ganito ako". Binabago natin ang ating sarili para sa iba. Pinipilit natin ang ating sarili sa mga tao na hindi talaga alam kung sino tayo. NAGBABAGO TAYO DAHIL BINAGO TAYO NG ATING MGA KAPWA TAO.


4. Nagbabago tayo dahil nasasaktan tayo. "Nasasaktan tayo dahil nagsisilbi itong dahilan na buhay tayo". Sa paulit-ulit na pananakit satin ay nagbabago tayo, para sa ikabubuti natin, para malaman ng iba na hindi isang negatibong bagay ang isang pagbabago bagkus ito ay nagsisilbing dahilan para makaya natin na magpatuloy sa buhay. NAGBABAGO TAYO DAHIL NASASAKTAN TAYO.


5. Nagbabago tayo dahil may bago tayong hinahanap. Sawa na tayo sa luma, kaya gusto naman natin ng bago. Kung dati gusto natin ang mga Dragon Balls na palabas ngayon gusto na natin ng KDrama. Sa pagbabagong ito naghahanap tayo ng bagong magpapasaya satin na hindi nagawa ng dati. Kung nagawa man niya na mapasaya tayo dapatwat sa maikling panahon lamang. NAGBABAGO TAYO DAHIL MAY BAGO TAYONG HINAHANAP.


6. Nagbabago tayo kahit na hindi natin namamalayan, nagbabago tayo ng walang dahilan. Sa mabilis na paglipas ng panahon hindi natin namamalayan na may nagbago na pala satin, may nagbago na pala. Hindi man natin ito mapapansin, madalas ang iba ang makakapansin nito. "Uy ang taba mo na", "Uy ang itim mo na, anyare?" madalas ang iba ang nakakakita ng pagbabago natin. NAGBABAGO TAYO NG WALANG DAHILAN.


7. At ang huling dahilan kung bakit tayo nagbabago dahil sa sarili natin kagustuhan. Nagbabago tayo dahil gusto natin. Hindi dahil sa iba. Dahil satin. Dahil ito ang makakabuti satin.



Alam natin na marami pang mga dahilan. Tanging mga sariling opinyon lamang ang nababahagi ng kodigo ng dahilan. Nawa'y magbago tayo hindi dahil sa may gumawa satin ng masama bagkus magbago tayo upang ipakita sa taong yun na makakayanan natin kahit na may basura siyang nabahagi satin. Tandaan hindi lamang ang pagbabago ang permanente sa mundo.


 Ang SARILI MONG PAGKATAO AY PERMANENTE DIN SA MUNDO.


 Magbago man tayo ng paulit-ulit. Mananatili ang ating sarili na tayo.


Ang AKO AY AKO

Ang IKAW AY IKAW
Ang SILA AY SILA

Huwebes, Enero 25, 2018

Mga dahilan kung bakit mahirap ang magpakadalubhasa sa FILIPINO



Maririnig sa magkabilang tenga mo ang mga komento na ganito "hindi naman mahirap yan e, kadali lang ng Filipino, walang trill pag-aralan yan, nakakaboring kaya yang Filipino" mga masasakit na komento ng iba patungkol saming mga nagpapakadalubhasa ng Filipino, ngunit hindi nila alam kung gaano ba kahirap ang pumasok at pag-aralan ito. Gusto niyo bang malaman ang mga dahilan kung bakit mahirap ito? Halika't lakbayin ang kodigo ng mga dahilan ng nagpapadalubhasa sa FILIPINO!



Mga dahilan kung bakit mahirap ang magpadalubhasa sa FILIPINO



Bakit mahirap magmove-on ang isang tao? Bakit mahirap magmove-on ang isang tao? Iyak dito, iyak doon. Hinga dito, hinga doon. Kailan...